Ala-una y medya na ng madaling araw. Ngayon pa lang ako uuwi. Gusto ko pang mamalagi kahit onti pa dito sa opisina pero parang masyado na akong matagal dito sa GMA.
Ano nga ba ang kaaliw-aliw kapag umuuwi ng dis oras ng gabi? Marami.
Una, walang trapik. Mabilis ang byahe. Ang CIGN na bus ang hari ng mga pacitang bus sa SLEX.
Pangalawa, malamig ang byahe. Mararamdaman mo mas lalong lumalamig kapag dumaan na ng alabang ang bus. Sumasariwa na ang hangin.
Pangatlo, may iba't ibang eksena sa loob at labas ng bus ang mas lalo mong makikita, maririnig dahil pauwi ka na, wala ka nang hinahabol kundi ang oras ng pagtulog. That is, kung hindi ka matulog sa bus.
Pang-apat, makakasabay mo pa ang utol mo sumakay sa bus sa Guadalupe. Pareho kayong nakainom. Parehong galing sa trabaho. Masaya ang usapan kahit na kinakain na ng ingay ng makina ng bus ang mga kwento sa bahay, sa dyowa, sa trabaho, sa mga pangarap, sa mga saloobin sa mga kuya na ngayon lang din nasabi.
Pang-lima, may penoy na basa pang mabibili sa labasan pag baba sa bus.
Pang-anim, sa paglapag ng gamit mo pag tuntong sa bahay, magbibihis, at matutulog na katabi si ermats.
diba, astig?