Friday, November 17, 2006

Oyoyoyoyoyoy!

aba aba aba!

friday na pala. pero spaced out na. hehe. uy, di ako gumagamit a. mashadong mabilis ang mga pangyayari. ngayong binabasa ko ulit ang huling blog ko dito, parang wow. ang layo na. hehe. slow. fudge oozing sa ice cream sundae.

na korek pa ata ako. pero ayos lang. ooozing fudge on an ice cream sundae.

o ice cream fudge oozing on a sundae.

o sundae oozing on a fudge ice cream.

o fudge on an ice cream oozing sundae.

o ice cream oozing sundae on a fudge.

o ooozing ice cream fudge sundae on a.

o rocky road.


wal. a.

lang.


"oyoyoyoyoyoy!"

--jose ng Eat Bulaga


"oyoyoyoyoy!"

--jimmy santos


"oyoyoyoyoy!"

--ruby (na laging pinapahiya ni joey d.l.)


Minsan nga makapag spoken word dito. May naiisip nako e.


pero gusto ko rin gawin yun sa totoong spoken word chuvanes ng mga artists at nagpapaka artist na hindi naman talaga artist. tulad ko.


syasyasya!

bamos!

Thursday, November 09, 2006

Bus to Manila

Kanina natahimik lang ako.

Sa loob ng bus at pabalik na ng Maynila, naisip ko na depende ata sa mga magulang, papaano ka pinalaki, saan paaralan hinubog ang isip mo at mga iba pang tao sa paligid mo, kung paano ka namumuhay ngayon.

Hindi kasi ako driven. I mean, hindi ako mashadong competitive na tao. HIndi ako sasali sa mga contest para lang maramdaman ko kung paanong manalo. O matalo. Ilagay sa resume na eto ang nagawa ko, eto, champion ako dito...Hindi e.

Hindi ako masyado magpupursige kung ang isang bagay na ginusto ko ay hindi ko kaagad, i repeat, KAAGAD makuha. Iniisip ko kasi baka hindi pa panahon para makuha mo iyon. Ibibigay din sa iyo pag oras na.

Ewan ko. Mababaw ito, pero, matagal na panahon bago kami nagka computer sa pamilya namin. And then last year, wow, diba, nagkaroon ako bigla ng powerbook. Parang ganun. Parang, hindi ko masyado kukulitin ang tadhana para piliting sa akin ibigay ang mga ninais ko.

Hindi naman ibig sabihin din gusto ko lang sa safe side lagi. Safe side na ayaw kong makaramdam ng pagkapanalo or much worse, pagkatalo kaya pababayaan ko na lang na lipasan na ako ng panahon. Mapasaakin or hindi man ito.

Nakukuha ko naman ang gusto ko e. O natutupad naman ang mga munting pangarap ko. Hindi ko nga lang masyado kinukulit ang tadhana para ibigay ito sa akin. Hindi kasi ako "Let's rule the world," pare e.

Hindi ako ganun. Parang gusto ko tahimik lang. Magpursige, oo. Magsipag, oo. Kung hindi okay ang resulta, bigo ang feeling ko, pero after nun, wala na. Okay lang. Tanggap ko na sya. Kung may pagkakataon ulit na dumating ang oportunidad, ede dakmain, diba?

Minsan kasi naiisip ko, na ang masyadong mainipin, malalim din kung malaglag e.


Iisa lang daw ang lengguwahe ng mga achievers. Mga praning, if you want. Ewan ko kung anong lenggwahe yun pero nakikita ata sa mga kinikilos daw nila.


Pero ako, mababaw lang naman ako e. Isa rin ako sa mga dreamers and yep, do achieve my dreams. Pero in my own pace. In my own time. Slow. Pero i don't know, mas lasap siguro?

Puro. Parang slow motion, parang ooozing chocolate fudge sa ice cream sundae.


Siguro kung pinalaki akong atleta, driven ako para manalo. May focus. May goal.


E kaso hindi po e.



* * *


Lakad na lang tayo.

Bike-bike sa subdivision. Angkas si Brutus da pitbull.

o soundtrip sa kwarto.

Doodle sa journal.

Tambay sa bubong ng bahay sa hapon.

Lakad sa beach.


Christmas lights sa gabi.


Happy thoughts and happy stuff. and happy dope and happy thoughts. and smiley face sa mga text :8)



Lalang. Pababa na sa crossing.


Punta na ng mega. Wala na naman akong masabi. Napaisip na lang bakit nga.

Sunday, June 04, 2006

Ipaliwanag

Ipaliwanag kung bakit kailangang magtrabaho.

Ipaliwanag kung bakit kailangang magpuyat.

Ipaliwanag kung bakit kailangang pumunta agad sa susunod na trabaho kahit hindi ka pa naliligo.

Ipaliwanag kung bakit hindi din ako nagtetext sa kinauukulan kung nasan ako at may iniwang saglit na trabaho.

Ipaliwanag.


Ipaliwanag kung bakit mahal na mahal ko ang pamilya ko.

Ipaliwanag kung bakit mahal na mahal ko ang aking sinta.

ipaliwanag kung bakit gustong gusto ko nang umuwi sa bahay para magpahinga.

Ipaliwanag kung bakit nagnakaw ako ng sandali para pumunta sa isang cafe na may wifi at hindi nagtrabaho.

Ipaliwanag kung bakit hindi ko maipikit ang mahapding mata ko.

Ipaliwanag kung bakit gusto ko nang pumupoo pero dalawang jeep pa ang sasakyan para mag banyo.

Ipaliwanag.


Ipaliwanag ng ilang salita kung bakit ihihinto ko na ito dahil dumating na ang inorder ko.


Magpaliwanag ka.



Dahil pagod na ko.

Friday, June 02, 2006

Dinaget ng Dumaguete

Kahit na nasa gitna ng trabaho,

i dream of Dumaguete.

Bakit?

e dahil nung isang linggo lang e nanduon ako.

hanggang dito na lang.

maraming salamat sa inyong

pagbisita.

Tuesday, April 04, 2006

Cubicle

Lumabas ako ng GMA office para pumunta sa Cafe Baang para mag internet.

Pag labas ko, may isang lalaki at babae na nag-abot sa aking ng leaflet. Kinuha ko naman.

Zateenya Bar and Grill. Nagpo promo ng bagong hang outan. Pero bakit Zateenya ang pangalan? Parang Zirkoh. Parang Zsa Zsa Padilla. Parang Zsa Zsa Zaturnnah.

Para akong tulala na hindi. Parang masaya na hindi. Malapit na ang kaaraawan ko. ilang linggo na lang mula ngayon. Hindi ko alam kung anong nawawala sa akin. Parang tulala nga.

Pero di spaced out. Nagulat ako nang matapos ko ng maaga ang mga deadlines ko the past week.

Mamaya, kakausapin daw ako ni bossing. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Tungkol sa mga concerns ng mga editors ko sa Saksi. Nung weekend, apektado ako masyado sa mga eva-evaluation sa gma tao sa work. Parang lahat peke. Parang lahat hindi fair. Kulang na lang magtayo ako ng sariling unyon sa grupo na may apat na members. Pathetic, pare. Hindi ako ganito dati.

Masyadong masalita. Pero duwag naman kapag andyan na ang pagkakataon sabihin ang lahat. Bakit? Parang daming pumipigil sa akin.

Hindi ko alam. Magulo isip ko pero sa labas, tulala ang tingin ko sa sarili ko. Ang dami kong gustong gawin. Daming gustong sabihin. Yaak. Daming angst. Pero saan napupunta?

Akchuli, itong entry na ito, parang entry sa journal ko. Mga wala lang ang sinasabi. Kung anung pumasok sa isip, yun ang lalabas dito.

Para akong nagta transcribe. Kung anung naiisip sa utak, tina type lang. kahit walang ending ang mga pangungusap. kahit bitin ang thoughts.

Pumunta rito para magkape. Hindi pa din tapos iedit ang sidetrip.

haha. lagot.

na hindi.

kasi alam kong matatapos ko rin sya.

Feeling ko rin walang mga tao. siguro sa orbit ko, wala. pero anjan lang sila. kanya-kanyang lugar, space na pinupuntahan o pinagkakaabalahan.

ako nasa cubicle lang ng ako ng isip ko. daming mga nakapastel ng mga "to-dos," "memos," descrepancy slips," "achtung to all," daming naka pile sa "inbox" at marami ring nakalagay sa "outbox" tray.

pero eto, gaya nung panahon ng internet cafe sa probe, nagi-internet lang at nagda downloadng kung anu-ano. Hanggang sa antukin. hahanap ng pwesto sa mga editing rooms. At matutulog na sa mga hiram na sleeping bags.

Dami ko ring sleeping bags sa kung saan saan.

iyon e, makitulog sa iba't ibang kama

ng kaibigan,

ng ka-opisina,

ng kabarkada,

ng mga hindi chika dati na naging chika,

o sa kahit sa kama ng sinisinta.

o matulog na sa sopa sa loob ng cube ng isang bossing.

kahit saan abutin ng antok o pagod.

matulog na lang nang matulog hanggang sa antukin tapos matulog ulit sa panaginip. hanggang sa magising.

o hanggang sa hindi na ulit magising.



sa cubicle.








*naks talagang pinilit yung title ko sa entry ko e no. ang gago*

Friday, January 13, 2006

Dapitan

Ngayon, asa Dapitan. Hinatid ang sinta. Naki-CR sa faculty. Sabay takbo na sya sa make-up class nya.

Bago pa dumating dito, pumunta kami sa Espanya at hinanap ang isang shoe-maker doon na matagal na nyang nakikita at nais makapanayam. Para sa phd project nya. Ako naman tumambay muna sa parang isang pares na walang kumakain. Siguro patay na oras para sa kanila. Matumal ang kumakain. Bumili na lang ng isang bottled water para sulit naman ang aking itinambay don.

Bago pa yon, nagpunta kami ng UP kasi nag-klase sya. Nag-lunch kasama ni Kit, isa sa mga "babies" ni Ne. Chika. chika about yon, about this, about that. pero ayos lang. Masayang kasama ang mga babies ni Ne kasi para mo na rin silang anak na hindi.

Tumawid kami sa overpass sa PHILCOA. At natagpuan ko si Punksy. Isang sisiw. Pero hindi lang sya basta sisiw. Punk na chick na de-susing sisiw. Nagkalat ang maraming Punksy sa banig na tela ng tindero. Hindi magkamayaw ang mga bata sa kanila. Pag sinusian mo, they walk like crazy. Naks. Crazy. Pero di crazy si Punksy. Mukha lang crazy kasi maliit sya sa karamihan ng mga chicks don. At may halong orange ang balahibo nya. Pag tinignan mo ang harap nya, dimo kita ang mga mata nya. Haba bangs baga. Tapos pag sa side mo na sya tinignan, may bahagyang nakatayo sa kanyang ulo na prang jologs punk. Masaya rin syang kasama. Una ko syang pina lakad duon sa pares na tinambayan ko. Natuwa ang tindera/waitress at naaliw nang makita syang nagkakakawag sa ibabaw ng table. Parang may doggy akong kasama. You meet new friends while you walk your...chick.

Kahapon, nasa Baguio. Malamig. Sobrang lamig. Nakita ang mga friends. Nakita ang mga kilalang artists pero di friends. Masayang hindi ang panik na yon. Nakatulog naman kahit onti pagbaba sa manila. Mga alaala ng mga Joeys (smith & ayala), mga dilaw na buhok, bughaw na hinding mata ni kawayan. Mga lumang tao ni bencab. Mga chorva ni Liezel. Mga pakidlat-kidlat na usapan ng mga dating kaibigan na nagsulputan bigla.

Ngayon sa Dapitan, ay nasa internet shop. Pinapangarap na makuha na ang powerbook. Nasa isang corner sa loob na Avril lavigne ang background (yeck!) anyway, di naman sya masyado maingay. Ma-angst lang. blah blah blah blah.

I think I have to stop now. I don't know. I feel sleepy. I feel i have to farty. as in fart. kanina pa.

Tulala na sa monitor at type lang nang type. Tulala pero di tulo laway. Tulala kasi kanina may job offer na naman from 24 oras. Nakaka tukso. Pero parang ayoko pa.

Tumalon na ako e. sa isang palapag malapit pa din sa comfort zone. Pero alam ko kailangan ko pang tumalon nang mas malayo pa at mas malalim. Sabi nga sa isang lil book na nabasa ko, pag talon mo, may invisible net na lalabas at sasaluhin ka.

At sa Dapitan, naisip ko,

Tumalon ka. Dilat o pikit man ang mata.