Lumabas ako ng GMA office para pumunta sa Cafe Baang para mag internet.
Pag labas ko, may isang lalaki at babae na nag-abot sa aking ng leaflet. Kinuha ko naman.
Zateenya Bar and Grill. Nagpo promo ng bagong hang outan. Pero bakit Zateenya ang pangalan? Parang Zirkoh. Parang Zsa Zsa Padilla. Parang Zsa Zsa Zaturnnah.
Para akong tulala na hindi. Parang masaya na hindi. Malapit na ang kaaraawan ko. ilang linggo na lang mula ngayon. Hindi ko alam kung anong nawawala sa akin. Parang tulala nga.
Pero di spaced out. Nagulat ako nang matapos ko ng maaga ang mga deadlines ko the past week.
Mamaya, kakausapin daw ako ni bossing. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Tungkol sa mga concerns ng mga editors ko sa Saksi. Nung weekend, apektado ako masyado sa mga eva-evaluation sa gma tao sa work. Parang lahat peke. Parang lahat hindi fair. Kulang na lang magtayo ako ng sariling unyon sa grupo na may apat na members. Pathetic, pare. Hindi ako ganito dati.
Masyadong masalita. Pero duwag naman kapag andyan na ang pagkakataon sabihin ang lahat. Bakit? Parang daming pumipigil sa akin.
Hindi ko alam. Magulo isip ko pero sa labas, tulala ang tingin ko sa sarili ko. Ang dami kong gustong gawin. Daming gustong sabihin. Yaak. Daming angst. Pero saan napupunta?
Akchuli, itong entry na ito, parang entry sa journal ko. Mga wala lang ang sinasabi. Kung anung pumasok sa isip, yun ang lalabas dito.
Para akong nagta transcribe. Kung anung naiisip sa utak, tina type lang. kahit walang ending ang mga pangungusap. kahit bitin ang thoughts.
Pumunta rito para magkape. Hindi pa din tapos iedit ang sidetrip.
haha. lagot.
na hindi.
kasi alam kong matatapos ko rin sya.
Feeling ko rin walang mga tao. siguro sa orbit ko, wala. pero anjan lang sila. kanya-kanyang lugar, space na pinupuntahan o pinagkakaabalahan.
ako nasa cubicle lang ng ako ng isip ko. daming mga nakapastel ng mga "to-dos," "memos," descrepancy slips," "achtung to all," daming naka pile sa "inbox" at marami ring nakalagay sa "outbox" tray.
pero eto, gaya nung panahon ng internet cafe sa probe, nagi-internet lang at nagda downloadng kung anu-ano. Hanggang sa antukin. hahanap ng pwesto sa mga editing rooms. At matutulog na sa mga hiram na sleeping bags.
Dami ko ring sleeping bags sa kung saan saan.
iyon e, makitulog sa iba't ibang kama
ng kaibigan,
ng ka-opisina,
ng kabarkada,
ng mga hindi chika dati na naging chika,
o sa kahit sa kama ng sinisinta.
o matulog na sa sopa sa loob ng cube ng isang bossing.
kahit saan abutin ng antok o pagod.
matulog na lang nang matulog hanggang sa antukin tapos matulog ulit sa panaginip. hanggang sa magising.
o hanggang sa hindi na ulit magising.
sa cubicle.
*naks talagang pinilit yung title ko sa entry ko e no. ang gago*