Hindi pa ako nakakapagshyapping ng mga pangregalo ko sa christmas.
ang hasel maglast-minute shopping talaga sa Manila.
Wala akong magawa kahit na dine-dread kong mamili sa mga araw ng 22-25.
Mas okay atang makakuha ng gipt kapagka christmas or before christmas kesa
AFTER christmas.
Masaya nga ba ang taon na ito?
Oo naman!
Marami rami ring nangyari sa haybu ko ngayong taon na itow.
At hindi rin dapat sya i-take advantage.
marami akong gustong pagpasalamatan. Kay God, sa mga Angels kow, sa pamilya, sa minamahal,
sa mga friends, sa trabaho, sa alagang cocker spaniel.
Nung college ako sabi ko gusto kong magsulat pagkatapos kong mag-aral. Parang
journalism ang gusto kong tahaking landas. O di kaya ay i-pursue ang
Malikhaing Pagsusulat.
Pero parang ngayong may blogger chuva na sa net, bakit hindi ko na kaya
or tinatamad na minsang magsulat dito ng mga, ayon nga kay tops, ng mga
kuru-kuro ko sa ganang ito, o kahit man lang mag joke joke.
Siguro itch taym to get to that writing road again.
Lalo na ngayon na may pustahan kami ni Ate Nessa sa sasali kami sa Palanca Awards!
Hehe. Kailangan mag inot inot na!
e mahirap na.
April 2008 ang deadline at 1 libo ang nakataya!
Kaya go, go, go na itwo!
Happy Christmas!
Sunday, December 16, 2007
Tuesday, July 24, 2007
Insomnia at ilan pang Kwento ng Kababalaghan
5:57 am na sa orasan ko. Grabe. May insomnia na ata ako. Paminsan minsan ay dumarating ang antok. Pero sa pagdownload ng isang update sa programa ng laptop mo na halos ilang oras pumapatak, may angal ka pa ba? Dami ko nang beses dina download ang lintik na update ng Quicktime ko at pagkatapos ay babalik sa dating porsyento. Basta hindi ko sya-mabuo-buo.
Eto't ta tyagain ko na talaga matapos. Malapit na rin gumising ang iba para maghanda na pumasok sa trabaho at eskwela. Samantalang ako ay ngayon pa lang (o mamaya pa lang!) matutulog.
21 minutes remaining ang download ko. Sana naman mag-work ito at nang ma-play ko na ang software na Garage 3 kay Istari ko.
Hindi ko alam kung magandang timing ang mag LQ at saka ang maglamay ng quicktime download. Matapos ang tampuhan at ilang masasakit na salita, magpapatulog sya sa tunog ng nakabukas na TV sa harap ng kama. Samantalang ikaw, derecho ka na sa laptop table ng kwarto nya at, pabulong-bulong, dipa ikaw tapos bumulyaw sa away nyo na hindi mo alam bakit biglang nagsimula. Ilang minuto lang ay masaya kayong kumakain ng midnight dinner ng napakasarap na niluto nyang Bangus Bistek with onions. Ang sarap ng feeling matapos kang kumain ng niluto nya.
Pumunta sya sa table at kinamusta ka. Humikab sya. Sabi mo magpahinga na sya. Hinatid mo sya sa kama para patulugin ng yakap at halik sa pisngi. Maya-maya nga lang, sa hindi mo alam na dahilan, matapos ang palitan ng masayang kwentuhan ng nangyari sa buong araw ninyo, bigla na lang kayo nagsisigawan.
Pilit na pinapahina ang mga maiinit na bulyaw. Baka magising ang mga kapitbahay. Baka magising ang mga kasama sa bahay.
Kaya, ayon. Bigla mo na syang iniwan sa kama at dumerecho na sa la mesa.
Sa gitna ng init ng ulo mo, nakuha mo pa ring tignan kung anong porsyento na ng dinadownload mo ang nangyayari.
Nag-check ka ng email. Nag-surf ka na ng ibang website. Papikit-pikit ang mata. Pero dika pa din nagdi-disconnect ng internet kasi nga ayaw mo na munang bumalik sa kama at matulog nang katabi sya. Nakatitig lang sa lcd ng laptop mo. Nangangawit na ang balakang at masakit na ang likod sa kaka upo pero nakaupo ka pa rin.
Lumiliwanag na sa labas. Sumilip ka sa brown na kurtina at may naaninag na mama na nagwawalis ng mga dahon at kalat sa bubong ng bahay nila.
Hanggang sa mawala na ang galit. Pinapasok na si Emily the cocker spaniel sa kwarto, yung pup natulog na uli sa may sulok ng bintana. Bumalik ka sa kama at nakita mong nakatulog na sya sa harap ng bukas na TV.
HInawi mo ang buhok. Hinalikan mo sya sa noo. Bakit pa kasi nag-aaway pa?
Nag-inat sya at tumalikod na sa iyo. Pero alam mong okay na kayo.
hmmm.
Bumalik ka na uli sa laptop table. 20% pa rin ang nada download ng jaskeng update.
Okay na rin. Basta sa ngayon, umaasa kang paggising nya, pupunta sya sa table mo at mangangamusta.
Anong nangyari?
shet.

Friday, May 11, 2007
Eleksyon 2007
parang holiday na hindi dito sa newsroom.
holiday kasi special coverage ng gma news and public affairs ang 2007 senatorial elections. malawakan ito, that is, kumbaga sa eleksyon, maganda rin ang mga makinarya.
at hindi sya holiday kasi may pasok kaming lahat dito. oh well...kailangan pa bang gawin kp okjlazzzzz....zzzz....
nakakaantok na. gusto ko nang pumanik ng yobags at makita ang labs.
maulan sa baguio. maulan na rin dito sa maynila. gusto ko lang magbakasyon parang mga elementary and high school students. ilang weeks na lang ay pasukan na rin. pero kami, all year round may pasok.
ayos lang naman. walang pasko, walang new year, walang ewan dito....
hindi ko na alam ang sinasabi ko...basta yun yon!

Subscribe to:
Posts (Atom)