Hindi pa ako nakakapagshyapping ng mga pangregalo ko sa christmas.
ang hasel maglast-minute shopping talaga sa Manila.
Wala akong magawa kahit na dine-dread kong mamili sa mga araw ng 22-25.
Mas okay atang makakuha ng gipt kapagka christmas or before christmas kesa
AFTER christmas.
Masaya nga ba ang taon na ito?
Oo naman!
Marami rami ring nangyari sa haybu ko ngayong taon na itow.
At hindi rin dapat sya i-take advantage.
marami akong gustong pagpasalamatan. Kay God, sa mga Angels kow, sa pamilya, sa minamahal,
sa mga friends, sa trabaho, sa alagang cocker spaniel.
Nung college ako sabi ko gusto kong magsulat pagkatapos kong mag-aral. Parang
journalism ang gusto kong tahaking landas. O di kaya ay i-pursue ang
Malikhaing Pagsusulat.
Pero parang ngayong may blogger chuva na sa net, bakit hindi ko na kaya
or tinatamad na minsang magsulat dito ng mga, ayon nga kay tops, ng mga
kuru-kuro ko sa ganang ito, o kahit man lang mag joke joke.
Siguro itch taym to get to that writing road again.
Lalo na ngayon na may pustahan kami ni Ate Nessa sa sasali kami sa Palanca Awards!
Hehe. Kailangan mag inot inot na!
e mahirap na.
April 2008 ang deadline at 1 libo ang nakataya!
Kaya go, go, go na itwo!
Happy Christmas!