Friday, December 02, 2005

deadlines

maga-alas sais katorse na. nasa 11th da lounge floor. Biyernes. Wow.

hindi ko akalain ng mga sumunod na araw bigla akong mapadpad sa CSD ng GMA. Umalis bigla sa 24 Oras. at ngayong hindi na ata magwo-work na ituloy ko pa ang kontratang ito, ako'y nasa gitna ng wala lang.

wala na akong pakialam kung nawalan ako ng isang tarbaho.

wala na akong pakialam kung mejo magulo ang pasok ko sa dream job ko sa csd.

wala na akong pakialam kung mejo kukuha ako ng laptop kay kidlat.

basta ang alam ko, sa darating na kapaskuhan, may puwang na ang mga araw ko para magawa ang gusto kong gawin.

magyoga!

gumawa ng journal na 2 taon nang delayed?

kumuha ng pictures sa aking lomo?

gumawa ng stationery ulit at ibenta?

ituloy na ang pinasok na on-line course sa creative writing ng bbc?

rumaket para mabayaran ang powerbuku?

tumambay uli sa bahay at matulog lang buong araw?

ganda! fucking looking forward to that break i deserve!

Wow. maliit na ang sweldo pero may puwang para sa sarili.

anung mas pipiliin ko? kabaligtaran nito o ito?

labo.

basta. ang sa akin, gusto ko nang kumuha ng powerbuku para sa sidetrip ko at para maiuwi ko ang trabaho.

pero san ko kukunin ang pambayad na trenta kada buwan? wow.

siyet. I think kakayanin ko ito. para sa aking kinabukasan naman!


antok nako.

tagal ni ghani.

may edit pa ako sa sidetrip mamaya.

1 comment:

Anonymous said...

hay salamat nag update na rin!
oy dude! gess da hu?