Sunday, March 27, 2011

K7, Kamuning Street, Quezon City

Marso 2011.

Ngayon lang nag-sink in sa akin na ang huli kong post dito ay halos apat na taon na.

Paano ba ang mag-isa?

Ang tanong sa itaas ay siyang tanong ko pagkagising ko kaninang umaga. Kasi, sabi ng isang kaibigan kagabi, "Tanggapin mo na kasing wala na kayo at hindi ka na niya babalikan."

Grabe o. Akala ko ang mga kamakailang pangyayari lang sa aking buhay ay nakikita ko lamang sa mga pelikula o soap opera sa tv. O di kaya sa mga pakikinig sa mga kuwento ng mga kaibigang broken hearted na dati ay hindi ako makarelate.

"Di ka pa nakaka-move on talaga," o "In denial stage ka pa." Wow. May ganon? Opo, Ms. Abbie Lara. May GANON.

Suwerte pa rin daw ako, sabi pa ng kaibigan ko kagabi. Kasi may closure daw kami. Samantalang sa kaso niya, putangina, wala. gago siya. magdusa siya kung miss nya na ako. Note, ako lang ang nag-revise ng huling sentence. Hindi nya ito sinabi talaga. Base lang ito sa aking pagkakaintindi sa sinabi nya. Hehehe. Pero ganun na rin yon.

So, hindi ko pa rin nasagot ang tanong sa itaas. Maaaring panahon lamang ang makasasagot nito. Baka pumanaw na ako sa mundong ito ay hindi ko pa rin lubusang maiintindihan ang buhay ko at kung bakit nangyari ang mga nangyari at mangyayari sa akin.

Kasalukuyang sinusulat ko ito sa aking maliit na kuwarto sa Kamuning, QC. Habang hinihintay matapos ang mahaba haba ring minuto ng rendering sa aking niraraket na editing. Pasalamat ako't makulimlim dahil kung hindi, doble tagos ang singaw ng init ng araw sa aking pad na nagmumula sa bubungan ng kapitbahay (tapat kasi ng bubungan ang bintana ng aking maliit na kusina).

Kahit sunday afternoon, hindi gaano kaingayan ang mga kapit-bahay. Salamat naman. Ang una kong linggo rito ay puros videoke at malakas na tunog ng sunday hitback over da radio sa ibaba ng kuwarto ko ang narinig ko. Kaya't tinapatan ko na lang ng mejo malakas lakas na tunog ng mixtape ko para lang lunurin ang diko trip na pakinggan that time sa aking neighborhood. Minsan kasi hindi ako nakakapagpatugtog ng sounds kaya't dinig ko ang mga sigaw at usapan at minsan mga away ng mga kapitbahay. Aliw din silang pakinggan. Hehehe. Makes me forget my problems and heartaches and sometimes, gutom. Masaya. Maingay. Minsan mabaho ang singaw na pumapasok sa mga bintana ng kuwarto ko. Pero ayos lang.

Ang mga ito ang pangkurot sa akin para magising sa bangungot ng iba't ibang problema ko.

At pagmulat ng mata, laging nakatawa hindi sa batibot, kundi sa realidad na bagamat totoo man ang mga bangungot na ito, ang difference lang, hindi bangungot ang nagdidikta kung ano ang mangyayari sa akin. Kundi Ako.

Chos! Isang beer pa ngaaa!!!!

Ay. wala pala akong kasama. Hehehehe.

Sunday, December 16, 2007

christmas isdat time ofda year

Hindi pa ako nakakapagshyapping ng mga pangregalo ko sa christmas.
ang hasel maglast-minute shopping talaga sa Manila.

Wala akong magawa kahit na dine-dread kong mamili sa mga araw ng 22-25.
Mas okay atang makakuha ng gipt kapagka christmas or before christmas kesa
AFTER christmas.

Masaya nga ba ang taon na ito?

Oo naman!

Marami rami ring nangyari sa haybu ko ngayong taon na itow.
At hindi rin dapat sya i-take advantage.

marami akong gustong pagpasalamatan. Kay God, sa mga Angels kow, sa pamilya, sa minamahal,
sa mga friends, sa trabaho, sa alagang cocker spaniel.

Nung college ako sabi ko gusto kong magsulat pagkatapos kong mag-aral. Parang
journalism ang gusto kong tahaking landas. O di kaya ay i-pursue ang
Malikhaing Pagsusulat.

Pero parang ngayong may blogger chuva na sa net, bakit hindi ko na kaya
or tinatamad na minsang magsulat dito ng mga, ayon nga kay tops, ng mga
kuru-kuro ko sa ganang ito, o kahit man lang mag joke joke.

Siguro itch taym to get to that writing road again.

Lalo na ngayon na may pustahan kami ni Ate Nessa sa sasali kami sa Palanca Awards!
Hehe. Kailangan mag inot inot na!
e mahirap na.

April 2008 ang deadline at 1 libo ang nakataya!

Kaya go, go, go na itwo!

Happy Christmas!

Tuesday, July 24, 2007

Insomnia at ilan pang Kwento ng Kababalaghan

5:57 am na sa orasan ko. Grabe. May insomnia na ata ako. Paminsan minsan ay dumarating ang antok. Pero sa pagdownload ng isang update sa programa ng laptop mo na halos ilang oras pumapatak, may angal ka pa ba? Dami ko nang beses dina download ang lintik na update ng Quicktime ko at pagkatapos ay babalik sa dating porsyento. Basta hindi ko sya-mabuo-buo.

Eto't ta tyagain ko na talaga matapos. Malapit na rin gumising ang iba para maghanda na pumasok sa trabaho at eskwela. Samantalang ako ay ngayon pa lang (o mamaya pa lang!) matutulog.

21 minutes remaining ang download ko. Sana naman mag-work ito at nang ma-play ko na ang software na Garage 3 kay Istari ko.

Hindi ko alam kung magandang timing ang mag LQ at saka ang maglamay ng quicktime download. Matapos ang tampuhan at ilang masasakit na salita, magpapatulog sya sa tunog ng nakabukas na TV sa harap ng kama. Samantalang ikaw, derecho ka na sa laptop table ng kwarto nya at, pabulong-bulong, dipa ikaw tapos bumulyaw sa away nyo na hindi mo alam bakit biglang nagsimula. Ilang minuto lang ay masaya kayong kumakain ng midnight dinner ng napakasarap na niluto nyang Bangus Bistek with onions. Ang sarap ng feeling matapos kang kumain ng niluto nya.

Pumunta sya sa table at kinamusta ka. Humikab sya. Sabi mo magpahinga na sya. Hinatid mo sya sa kama para patulugin ng yakap at halik sa pisngi. Maya-maya nga lang, sa hindi mo alam na dahilan, matapos ang palitan ng masayang kwentuhan ng nangyari sa buong araw ninyo, bigla na lang kayo nagsisigawan.

Pilit na pinapahina ang mga maiinit na bulyaw. Baka magising ang mga kapitbahay. Baka magising ang mga kasama sa bahay.

Kaya, ayon. Bigla mo na syang iniwan sa kama at dumerecho na sa la mesa.

Sa gitna ng init ng ulo mo, nakuha mo pa ring tignan kung anong porsyento na ng dinadownload mo ang nangyayari.

Nag-check ka ng email. Nag-surf ka na ng ibang website. Papikit-pikit ang mata. Pero dika pa din nagdi-disconnect ng internet kasi nga ayaw mo na munang bumalik sa kama at matulog nang katabi sya. Nakatitig lang sa lcd ng laptop mo. Nangangawit na ang balakang at masakit na ang likod sa kaka upo pero nakaupo ka pa rin.

Lumiliwanag na sa labas. Sumilip ka sa brown na kurtina at may naaninag na mama na nagwawalis ng mga dahon at kalat sa bubong ng bahay nila.

Hanggang sa mawala na ang galit. Pinapasok na si Emily the cocker spaniel sa kwarto, yung pup natulog na uli sa may sulok ng bintana. Bumalik ka sa kama at nakita mong nakatulog na sya sa harap ng bukas na TV.

HInawi mo ang buhok. Hinalikan mo sya sa noo. Bakit pa kasi nag-aaway pa?

Nag-inat sya at tumalikod na sa iyo. Pero alam mong okay na kayo.

hmmm.

Bumalik ka na uli sa laptop table. 20% pa rin ang nada download ng jaskeng update.

Okay na rin. Basta sa ngayon, umaasa kang paggising nya, pupunta sya sa table mo at mangangamusta.

Anong nangyari?

shet.