Saturday, May 21, 2005

Si Tsup Tsup

"Si Tsup Tsup balang araw magiging aso na yan e. Pag tagal-tagal, magiging tao na sya," sabi ni Jonah. Si Tsup Tsup ay isang pusakal na inalagaan ni Jonah. Dahil lagi silang dalawa lang ang magkasama, si Jonah, kung kausapin ang pusa parang tao na daw. Wala namang masama.

Dahil kung sakaling kausapin din sya ni Tsup Tsup, aakalain din niyang pusa si Jonah. Magiging aso rin siya, at pag tagal-tagal, magiging pusa na rin si Jonah.

Hindi ako masyado aliw sa mga pusa. Mas happy ako sa mga aso. May pitbull kami na pangalan ay Sniff. at may sampu na syang anak.

Si Tsup Tsup ay nakita ko na. Pero dedma sya sa akin nung minsang nagiinuman kami sa bahay ni Jonah isang madaling araw. At, oo, dedma din ako sa kanya.

Meow.

1 comment:

u l a n said...

dedmeow.