Monday, December 12, 2005

Last Week

2nd day of my last week in CSD.

the 2nd day of my period.

ang sakit, diba? pero masakit nga ba? ngayong araw na ito gusto kong umidlip dahil puyat kagabi sa sobrang sakit ng dysmenorrhea ko. ano bang dapat kong gawin?

akchuli, marami.

Pero jumbled pa rin sa isip ko ang mga una kong dapat gawin. kakaantok ang araw na ito.

Gusto kong mag-aral ng malikhaing pagsusulat sa UP ulit. Parang kailangan ko na atang gawin yun. Kasi 9 yrs old pa lang ako, gusto ko na atang magsulat. at onse anyos pa lang ako nang una akong gumawa ng tula.

kakaantok.

gusto ko munang humilata at magpaka-john lennon. at maki bed-peace sa inyong lahat.

nung isang gabi, pumunta ako sa tambayan ng mga manunulat ng UST. Kasama na si Ne. Ito'y matapos yung Ustetika, or pagpugay sa mga batang manunulat na karamihan ay naging estudyante sa creative writing ni Esmi ko.

Nabasa ko yung ilan sa mga gawa ng isang Cholo.

-Galeng!
-Super astig!
-Ganda!
-Wasak!

(exit frame. parang mga jologs ina-ambush interview sa isang premiere night)

Mayroon pang isa, yung "Siglo", isa shang anthology ng mga graphic novels. Astig din yung drawing o art work. Naalala ko sina Dino Ignacio nung mga X Movement days namin nila JJ at tumatambay sa Club Dredd.
Mga improvised comics lang. fanzines ata tawag dun. isang bond paper na tinupi sa gitna na mukhang booklet. Tungkol kay Boy Bastos at Taro ang nakalagay dun. Mayroon din tungkol sa pagpapakamatay.

Gusto ko nang matulog!

Oy! magpatulog kayo!

1 comment:

bakya said...

tuloy natin yung meriendz pag libre ka na :)