Thursday, November 09, 2006

Bus to Manila

Kanina natahimik lang ako.

Sa loob ng bus at pabalik na ng Maynila, naisip ko na depende ata sa mga magulang, papaano ka pinalaki, saan paaralan hinubog ang isip mo at mga iba pang tao sa paligid mo, kung paano ka namumuhay ngayon.

Hindi kasi ako driven. I mean, hindi ako mashadong competitive na tao. HIndi ako sasali sa mga contest para lang maramdaman ko kung paanong manalo. O matalo. Ilagay sa resume na eto ang nagawa ko, eto, champion ako dito...Hindi e.

Hindi ako masyado magpupursige kung ang isang bagay na ginusto ko ay hindi ko kaagad, i repeat, KAAGAD makuha. Iniisip ko kasi baka hindi pa panahon para makuha mo iyon. Ibibigay din sa iyo pag oras na.

Ewan ko. Mababaw ito, pero, matagal na panahon bago kami nagka computer sa pamilya namin. And then last year, wow, diba, nagkaroon ako bigla ng powerbook. Parang ganun. Parang, hindi ko masyado kukulitin ang tadhana para piliting sa akin ibigay ang mga ninais ko.

Hindi naman ibig sabihin din gusto ko lang sa safe side lagi. Safe side na ayaw kong makaramdam ng pagkapanalo or much worse, pagkatalo kaya pababayaan ko na lang na lipasan na ako ng panahon. Mapasaakin or hindi man ito.

Nakukuha ko naman ang gusto ko e. O natutupad naman ang mga munting pangarap ko. Hindi ko nga lang masyado kinukulit ang tadhana para ibigay ito sa akin. Hindi kasi ako "Let's rule the world," pare e.

Hindi ako ganun. Parang gusto ko tahimik lang. Magpursige, oo. Magsipag, oo. Kung hindi okay ang resulta, bigo ang feeling ko, pero after nun, wala na. Okay lang. Tanggap ko na sya. Kung may pagkakataon ulit na dumating ang oportunidad, ede dakmain, diba?

Minsan kasi naiisip ko, na ang masyadong mainipin, malalim din kung malaglag e.


Iisa lang daw ang lengguwahe ng mga achievers. Mga praning, if you want. Ewan ko kung anong lenggwahe yun pero nakikita ata sa mga kinikilos daw nila.


Pero ako, mababaw lang naman ako e. Isa rin ako sa mga dreamers and yep, do achieve my dreams. Pero in my own pace. In my own time. Slow. Pero i don't know, mas lasap siguro?

Puro. Parang slow motion, parang ooozing chocolate fudge sa ice cream sundae.


Siguro kung pinalaki akong atleta, driven ako para manalo. May focus. May goal.


E kaso hindi po e.



* * *


Lakad na lang tayo.

Bike-bike sa subdivision. Angkas si Brutus da pitbull.

o soundtrip sa kwarto.

Doodle sa journal.

Tambay sa bubong ng bahay sa hapon.

Lakad sa beach.


Christmas lights sa gabi.


Happy thoughts and happy stuff. and happy dope and happy thoughts. and smiley face sa mga text :8)



Lalang. Pababa na sa crossing.


Punta na ng mega. Wala na naman akong masabi. Napaisip na lang bakit nga.

2 comments:

Anonymous said...

hay. sana may ganyan din akong pag-iisip. lekat kasi, competitive ako eh. kakapagod na nga. gusto ko na ng ganyang life. parang chocolate sundae slowly oozing from its cone.

Agay and Spanky said...

miss you na dude, bisita ka na ulit sa humble abode namin!

mabuhay ang laidback yet overachieving muddafuckaz!